Paano magbukas ng account sa bangko - mga requirements at prosesong dapat alamin
Maganda at naisipan mong magbukas ng account sa bangko. Marami ang maaaring panggamitan ang savings account. Unang-una ay dito mo pwedeng ideposito ang iyong pera para makapag-impon ka upang magamit sa hinaharap. Kung sakali may emergency, halimbawa, may nangangailangan sa inyong pamilya ng pera na pangmedikal na solusyon o kung hindi naman kaya ay sakaling nawalan ka ng trabaho, malaki ang maitutulong ng naipon mong pera sa iyong savings bank account.
Napakahalaga ng savings account dahil kapag nasimulan mo nang magtipid, mag-ipon at magdiposito mo sa iyong bank account, makakatulong ito sa iyo sa oras ng pagka-gipit kung sakali man. Pwede din namang sa pagdaan ng panahon, mag-ipon ka ng pera sa iyong saving account para sa pagdating ng araw at napag-isipan mong magnegosyo, pwede mong gamitin nag naipon mong pera sa iyong bank account.
Mga dapat mong alamin sa pagbukas ng account sa bangko
Ilan sa mga nabanggit dito ay pwede mo rin na basahin sa mga official websites ng mga bangkong nais mo pag-aplayan.
1. Maraming iba’t-ibang uri ng savings account tulad nang para sa mga bata, senior o kung personal at joint account.
2. Alamin ang minimum initial deposit kung magbubukas account sa bangko. Ito ung pinaka-mababang halaga na kailangan o mababang balanse ng saving account sa buong panahon ng pag-iipon.
3. Alamin kung magkano ang Interest rate na kikitain. Ang Interest rate ay pwedeng magbago depende sa balanse ng account. Halimbawa, sa ibang bangko, dapat ang minimum na balanse ng iyong bank account ay dapat hindi bababa sa PHP 10,000 para kumita ng .25% na interest sa isang taon.
4. Magtanong kung may babayaran kung sakaling magkaroon ng iba pang transaksyon tulad ng online banking o hindi kaya ay di inaasahang pangyayari tulad ng pagpapasara ng bank account.
5. Magtanong kung meron silang inaalok na online services na maaari mong magamit.
Paano magbukas ng savings account sa bangko - mga requirements at proseso
Karamihan sa malalaki at kilalang bangko ay pare-pareho ang pagproproseso sa pagbubukas ng saving account. Pare-pareho din ang mga requirements na kaliangan mong dalhin sa kanila tulad dalawang (2) valid government issued IDs, photocopy ng iyong 2 valid IDs (likod at harap), dalawang (2) 1x1 ID picture, at pati na rin ang minimum initial deposit.
Ito ang mga government issued IDs na pwedeng mong dalhin sa pagbubukas ng savings bank account.
Paalala lang po: Dapat po hindi expired ang mga IDs na ipapakita ninyo sa kanila. Karamihan kasi ng mga government issued IDs ay may expiration at karamihan din ay hindi alam ito.
Government issued IDs:
School ID (kung studyante)
Voter's ID
TIN ID
Driver's License
Company ID
Postal ID
Passport
Philhealth card
Government Service Insurance System e-Card (GSIS e-Card)
Social Security System card (SSS card)
Senior Citizen card
Overseas Workers Welfare Administration ID (OWWA ID)
OFW ID
Any proof of billing address
Halimbawa ng mga proof of billing address:
Electric bill
Telephone bill
Water bill
Credit card bill, etc.
Naibigay mo na ang requirements sa kanila (photocopy of 2 valid IDs, minimun initial deposit balance at naipakita mo na rin ang iyong mga IDs), ngayon may ibibigay sila sa iyong application form na dapat mong i-fill out (dapat fill out at hindi po fill in).
Anu-ano ba ang mga hinihinging information sa mga application form?
Complete name
Address (saan ka nakatira)
Telephone No. (kung wala, isulat mo NA)
Cell number (phone number)
Date of birth (kailan ka ipinanganak)
Place of birth (saan ka ipinanganak)
SSS No. or TIN No. or GSIS No. (kung wala, isulat mo NA)
Civil status (Kung single, married, widow - - babaeng balo, widower - lalaking balo)
Sex (Male - lalaki, Female - babae, Others)
Occupation (kung wala, isulat mo kung ikaw ay student, housewife, househusband, o self-employed)
Name of company or employer (kung wala, isulat mo self-employed o OFW spouse)
Address of company (kung wala, isulat mo NA)
Phone No. of company (kung walang company, isulat mo NA)
Source of income (Employment, self-employment, business, o OFW remittance)
Name of spouse (ang iong asawa)
Address of spouse (pwedeng pareho ng address ninyo)
Name of parents (in some forms)
Mother's maiden name (in some forms)
Signature (pirma mo)
Pagkatapos mong mag-fill out, magpipirma ka ng 3 tatlong beses para signature specimen. Tapos na ang proseso, makinig lang sa sasabihin o payo ng staff/ clerk ng banko.
Mga dagdag paalala sa pagbukas ng savings account sa bangko
1. Huwag mahiyang magtanong tungkol sa pagbubukas mo ng savings bank account o di kaya'y kung meron kang hindi naintindihan. Pinag-aralan nila ang mga bagay-bagay ito kaya alam nila.
2. Ingatan ang passbook o ATM card pati na ang PIN ng ATM card at mga account statements kapag naging tagumpay ang pagbukas mo ng savings account. Siguraduhing huwag isulat sa kung saan-saan ang mga ito upang maging ganap na sikreto. Pwede mong isulat ang iyong PIN sa alam mong hindi nila makukuha. Lalo na at ang ilan ay makakalimot.
3. Kung nawala man ang passbook, ATM card o di kaya'y may kahinahinalang pangyayari at kamalian sa iyong account statements, ipag-alam sa kinauukulan ng bangko kung saan ka nagbukas.
4. Magbasa-basa sa website ng bangko kung saan ka magbubukas ng savings bank account. Meron silang 'FAQs seksyon sa website nila na pwedeng magbasa ng mga serbeisyong inaalok nila, mga paalala atbp.
Ito ang mga bagay-bagay na dapat mong malaman kung magbubukas ka ng savings acount saan mang bangko. Sana naintindihan at nalinawagan ka.
Kung may tanong o nais mong ibahagi tungkolsa mga requirements o proseso sa pagbukas ng savings account, magcomment lang sa comment section ng blog na ito. Kung sa tingin mo malaki ang naitulong at maitutulong ng post o artikulong ito sa'yo at sa mga kaibigan o kakilala mo, din huwag kalimutan na ibahagi (i-share) sa kanila.
Paano magbukas ng account sa bangko - mga requirements at prosesong dapat alamin
Reviewed by BP Admin
on
September 09, 2017
Rating:
Pwde po bang mag open account yong anak ko 13 yrs old lang po sya at dto po ako sa abroad
ReplyDeleteBukas po ba ng dominggo ung opisina nyo
ReplyDeleteSaan ba kumuha ng requirement wala kasi akong lahat gusto ko ng account banko
ReplyDeleteWala po kasi akong id nawala
DeleteGusto ko sanang mag bukas nang ATM pano yon wala akong maipakitang dahil hindi ako naka pag tapos nang elementary requirements
ReplyDeleteGusto ko sanang mag bukas nang ATM pano yon wala akong maipakitang requirements dahil hindi ako naka pag tapos nang elementary wala akong maipakitang requirements
DeletePwede po philhealth po,sss,bir, tin id po 🙏😊😊
DeletePwede ho bang, kahit saang banko mg bukas ng account.
ReplyDeleteKailangan po ba talagang ilagay ang asawa pag kasal na, khit matagal ng hindi nagsasama
ReplyDeleteHello po gusto ko mag open account for my kids po dalawa sila.Kaya lang 8 to 9 years old lang sila pwedw kunaba sila i open account.Thanks po sa sasagot
ReplyDeletePwde ba ipakita lang philhealth card and police clearance and certificate of voter's ID kc wala ako as in id talaga..... Philhealth card lang
ReplyDeleteOk napo yan kung hindi pa expired ang iyong philhealth card
DeleteKelan po Kasi makukuha ang ATM pagkatapos pong magbukas Ng account?
ReplyDeleteKailangan po ba talaga may idedeposito ka ng dala??pwede po bang wala??
ReplyDeleteYes po para yun na ang laman ng atm mo kahit ilang buwan mopa siya hulogan para hindi mag close dapat hindi mo withdraw kasi ma closed yung account sa banko
DeletePk na pp bha kahit school I.d lang ipapakita ko student pa kasi ako
ReplyDeleteOk lang po bha kahit school I'd Lang ipapakita ko
ReplyDeletePwede Bang manghingi ng bank account number para sa ayoda ng governor
ReplyDeletePaano nag antay yung pera nafrozen sabi ng client may lockdown pa
ReplyDeleteWala pa bank number paano pinakamadali kumuha ng bank acount kung wala ka pera
ReplyDeleteMagkano po kailangan kung mag open ng credit card same bdo
ReplyDeleteMy bayad po ba kapag mabubukas ng Savings acount? kong miron mag kano po
ReplyDeletePwede ba kahit 17 tapos october 18 na
ReplyDeletePwd ako Rin ako meron bayad yan
ReplyDeletemay bayad po magpa open account?
ReplyDeleteGusto ko sanang magbukas ng ATM kaso wala akong requirements.
ReplyDeletePwdi po Ba sa m lhuilier mag open acount
ReplyDeletemagkano po bayad kng mag open account po?
ReplyDeleteLahat po meron ako gusto kuna mag bukas ng bank account..
ReplyDeleteGusto ko mgbukas ng bank acc ksu tin id at solo parent lang ang merun ako pwede po ba yun.
ReplyDeletePwde po bang magwithdraw ang kapatid kc kylangan sa emrgency ung my are nsa ibang bansa
ReplyDeletePano po ako makapag open anong requirements ang kailangan
ReplyDeletePwede po ba brgy.id.sa pagapply ng bank acct.?
ReplyDeletePaano po ba mag open san acct
ReplyDeleteIlang taon po pwede magbukas ng bank account
ReplyDeletePwede po ba pag ng bukas ako ng savins ang ipakita ko nalang is tin is at NBI po yan lang po kasi ang miron ako ??
ReplyDeletePuede po ba mg bukas ng bno account ank ko 15 npo xua at NSA abroad po AQ any po need nia mga requirements..thnx po
ReplyDeletehello po good evening, just want to ask lng po if how to open savings account for my son he is going to 6 yrs old. thank you
ReplyDeleteAsk ko lang po. Pwede ko po bang gamitin yung BDO ko na provide ng company?
ReplyDeletePaano po kung walang maipakita na proof of billing address?
ReplyDeletePwedi napo ba ang TIN ID sa pag open account, at birth certificate PSA at police clearance, brgy.clearance at NBI po,thanks.
ReplyDeletePwede po ba mag apply kahit wla pang work?
ReplyDeletePaano makukuha yung savings acc
ReplyDelete