Paano mag-open ng savings account sa BDO - mga requirements at proseso

Paano mag-open o magbukas ng account sa BDO - mga requirements at proseso

Tulad ng karamihan sa mga malalaking bangko, madali, simple at mabilis din ang pagproproseso at pagbukas ng savings account sa BDO. Minsan nga lang, pagnatyempohan mo, lalo na kapag weekends hangang lunes o kaya'y basta sa umaga, napakahaba ang pila nila. Pero higit sa lahat, maganda pa rin ang serbisyo nila.

Ang bangko ng Banco de Oro Unibank Inc. o mas kilala sa mas pinaikli nitong pangalan (abbreviated name) na BDO ay isa sa pinakamalaki at kilalang bangko dito sa Pilipinas. Kahit saang lugar sa Pilipinas ay marami silang mga ATM machines at bank branches.

Ang mga banko ng BDO ay bukas mula lunes hangang sabado, 8:00 AM to 5:30 PM. Sa ibang BDO branches naman, lalo sa mga mataong lugar tulad ng malls ay nakabukas ang aking tanggapan hangang domingo. Meron din naman silang ibang services tulad ng  Online banking at Mobile banking.

Paano magbukas ng account sa BDO?

Sa artikulong ito, tatalakayin natin kung nu-ano ang requirements at kung paano ang proseso nito.

Requirements sa pagbukas ng savings account sa BDO

Sa pagbukas ng savings account sa BDO, ito nag mga requirements - Dalawang (2) valid IDs, dalawang (2) photocopy ng valid IDs mo (harap at likod), dalawang (2) kopya ng 1×1 na bagong picture mo at ang Minimum initial deposit. Paalala po: Dapat hindi expired ang mga ID mo.


Mga Minimum Initial Deposit sa BDO

Paalala: Nakalink ang 'More Info' sa official website ng BDO, kaya kung gusto mong mas malaman nang maayos ang tungkol sa nais mong savings account, i-click lang ito.

Peso Passbook Savings (with or without ATM) - PHP 5,000 [More info]
Peso ATM Debit Card (without passbook) - PHP 2,000 [More info]
Junior Savers - PHP 100 [More info]
Prime Savers - PHP 2,000 [More info]
Direct Deposit - PHP 0.00 [More info]
Optimum Savings - PHP 30,000 (Personal) at PHP 50,000 (Business) [More info]

Mga valid IDs na pwedeng gamitin:

Passport
Driver’s license
Shool ID
Voter’s ID
Postal ID
Senior Citizen Card
SSS ID
GSIS ID
PhilHealth ID
Alumni card
Employment ID
Professional Regulations Commission (PRC) ID
Proof of Billing Address
Other valid IDs issued by the Government and its instrumentalities

Halimbawa ng mga Proof of Billing Address - kahit hindi nakapangalan sayo mismo, basta sa nakapangalan sinuman sa pamilya mo (nanay, tatay, kuya o ate).

Electric bill
Telephone or Mobile phone bill
Water bill
Credit card bill,  etc.

Paano ang proseso sa pagbukas ng saving account sa BDO?

1. Ihanda lahat ng mga requirements (2 valid IDs, 2 photocopy ng valid IDs mo (harap at likod), 2 1×1 picture mo, minimum initial deposit na amount at syempre, extra na pera). Pumunta sa pinakamalapit na BDO branch. Dumiretso sa 'New Accounts Section', pero kung may pila, makipila po.

Kung pagpasok mo sa establishment nila ay hindi mo mahanap kung saang banda ang para sa mga magbubukas ng bagong account, magtanong sa guard. Pero mas maganda na pagpasok mo pa lang sa banko ay sabihin mo sa guard o kung walang guard, pwede sa mga staff nila na magbubukas ka ng savings account. Siguradong ituturo sa'yo. Huwag kang mahiya at matakot sa kanila, mababait ang mga yan.

2. Ibigay ang mga requirements sa 'clerk' na naka-assign at ibibigay sa'yo ang isang 'application form' na dapat mong i-fill out gamit ang ballpen nila.

3. Pagkatapos mong i-fill out ang application form, kailangan mong pumirma ng tatlong beses para sa special signature specimens.

4. Makining sa kung ano ang payo ng 'clerk' sa'yo. Maghintay ka ng isa o dalawang araw para mai-activate ang iyong savings account. Para naman sa ATM card/ Passbook Kits, maghintay lang ng 5 hangang 7 araw.

Tapos! May savings account ka na sa BDO. Pwede mo rin bisitahin ang kanilang official website na bdo.com.ph at Support / Trending Topics para malaman mo pa kung ano ang mga ibang serbisyo. Muling paalala, huwag mahiyang magtanong sa kanila kung may hindi ka naintindihan.

Photo preview from Synergy Media Specialists

Paano mag-open ng savings account sa BDO - mga requirements at proseso Paano mag-open ng savings account sa BDO - mga requirements at proseso Reviewed by BP Admin on September 10, 2017 Rating: 5

86 comments:

  1. Kung wala po ba na ibang id maaari po ba gumamit ng birth certificate from PSA ang brgy certificate?gustong gusto ko na talaga mag open ng account kc palagi ko dala ang pera ko eh

    ReplyDelete
    Replies
    1. pqno kung UMID id lang po meron ako kulang pako ng isa puwedeng umid nalang?

      Delete
  2. Panoh po qng gusto q na widrawhin lhat ang pera.. Makukuha q ba un lhat? ?o may matitira? At magkano?

    ReplyDelete
  3. Morning po..Mag tatanung po sna aq panu po pag open account po aq para sa savings po mag kano po pera kailangan sory po dko po kasi alam

    ReplyDelete
  4. May age limit po ba ang pagbubukas ng savings account?

    ReplyDelete
  5. Replies
    1. Anu pinagkaiba kailangan dalin at Magkanu po ba inisiip deposit

      Delete
  6. ,busy po kasi yung asawa ko,pwede po bang ako ang maglakad for business accnt.?

    ReplyDelete
  7. gusto ko sana mgopen acct kaso di ako mkapunta sa office nyo at d2 ako sa ibang bansa sa ngayon

    ReplyDelete
  8. Magkanu po dpat ilgay Sa acount mu kpag nakaopen kna ng ATM mu!? magkanu po dpat ilgay na Una?

    ReplyDelete
  9. magkano po ba Ang idedeposite muna?

    ReplyDelete
  10. pede rin po ba gamitin ito para ma transfer ung pera galing ibang ban
    sa through my account?

    ReplyDelete
  11. GUSTO KONG MALAMAN KONG SAKALING MAG SAVINGS AKO NG CASH.20 TO 50 K.TAPOS HND KO ITO BABAWAASAN.MAGNO PO ANG INTERES NG PERA KO.EVERY MONTH.
    .

    ReplyDelete
  12. 2 valid id lang po ba kailangan ok lang po ba kc ung driver lic.ko nka address sa paraniaque ung philheath ko po sa valenzuela nka address ok lang po ba un

    ReplyDelete
  13. Hello! Po. Ano pa po ang pwedeng required na i.d kase voters certification lang ang meron ako.

    ReplyDelete
  14. Pwede po ba ang tin id tsaka brgy. Clearance p0?

    ReplyDelete
  15. Pwede po ba ang tin id tsaka brgy. Clearance p0?

    ReplyDelete
  16. Pwede po ba brgy id. Tyaka stab ng voters.

    ReplyDelete
  17. Pano pag student.. isalang ang id panoyun

    ReplyDelete
  18. I'm 35 years old marplain housewife can I have an account magkano po ang pwede amount na pwede ko mai open account

    ReplyDelete
  19. hi po isang ako ofw mag kano po pwede amount na pang nag open account po

    ReplyDelete
  20. Paano po mag open if dto aq s ibang bansa .

    ReplyDelete
  21. Same day po ba makukuha ang atm pag magopen ng account?

    ReplyDelete
  22. Paano po qng walang I'd pwude n po b yng nbi at baragay certificion at s bill nmn po nakikikabit Lang din po NG kuryente at hndi po kamag anak yng may ari at s waterbill wala din po pero gsto g gusto mag k savengs account

    ReplyDelete
  23. Ask ko po if pdi I'd voter ska barangay certicate at pdi b po 2k mgpa open ng bank account

    ReplyDelete
  24. Panoh po qng gusto q na widrawhin lhat ang pera.. Makukuha q ba un lhat? ?o may matitira? At magkano

    ReplyDelete
  25. Pwede po ba un isang valid id tas isang proof of billing ? Ee pano kung hndi nakapangalan sa pamilya mo ? Kung sa kinakabitan pwede ba un

    ReplyDelete
  26. Dati n ako merong atm sa isang microfinance,at bdo,at kinailangan n kumuha ulit ako ng isng atm sa parehong bangko, posible po b n isa lng account yung ibinigay sa akin ng bangko?

    ReplyDelete
  27. Isa lng po valid Id ko. ung voters ID. Pwede po ba barnggay clearance. at nangungupahn lng ako. pwede rin b yung bill Ng may ar Ng bahay.thankyou

    ReplyDelete
  28. good afternoon po ask ko lng po if nag open acc mgkano napo hulog nman nun every month/week???

    ReplyDelete
  29. Good day po ask ko lng po mag kano po ang ihuhulog every month or week.. Saka mag kano po interes

    ReplyDelete
  30. Tanong ko lng po sana gusto ko po sanang magpa open acc
    Magagamit ko din po kaya yan sa ibang bansa sa paghulog hulog po sana ng cash

    ReplyDelete
  31. Good morning po Tanong ko lng po papano po kung nangungupahan lng maaari po bang gamitin ko ang Proof of Billing ng may-ari ng apartment. If Pwd po Paki sagot po salamat. 😊

    ReplyDelete
  32. Sa ibng bnsa po b ay my bdo po din b?at Kung mg open account po AKO mgkno po ba

    ReplyDelete
  33. Paano po pag wala pang id? May iba po bang choices? Like PSA etc.

    Magkano po ang savings na ilalagay pag mag oopen account?

    ReplyDelete
  34. Pwede po ba iwithdraw ung inetial 2000 deposit na savings pero idedeposit din naman uli. Need ko lang kasi ng bank account para mawithdraw ang kinita ko sa lazada

    ReplyDelete
  35. Ung ank ko Phil health lng mayron xa pwdi nba kc nag over the counter ung bpi ko dito kc ako Singapore please help me

    ReplyDelete
  36. Mag open acc.po sana aku tpos sabay kuna po dun yong monthly salary ko ..pwedi po ba yon pagsamahin yong savings ku po at monthly salary ?tnx po

    ReplyDelete
  37. Paano po ba mag open bank account sa BDO andito po ako sa Kuwait po?. ang BDO po ba ay prepaid card po?

    ReplyDelete
  38. pnu po pag walang id n valid pede b yung birthcertificate at barangay clearnce po need ko po kse mgopen account

    ReplyDelete
  39. Pano po mag open account dito po ako sa dubai my account napo ako dati last 2017 na stop kulang po na hulhulugn na zero balance kC Dina ako ako nakablik agad sa abroad ngaun gusto ko mag open uli pano po ba

    ReplyDelete
  40. I have some question pwede kobang gamitin yung atm card debit na galing sa employer? Hindi kopa naman po siya nagagamit kasi nagresign ako sa work..pasagot po salamat

    ReplyDelete
  41. Ano po pwd alternative na requirements kc andito ako sa laguna may voters id ako at tin id na nakaadress sa albay hndi dw pwd kc dw hindi dw ako dito nkaaddress

    ReplyDelete
  42. paano po mag open ng account gustu ko pong makapag ipon

    ReplyDelete
  43. Plano ang open by account gusto ko p.o. ang upon

    ReplyDelete
  44. Halimbawa po ay gusto ko kumuha ng housing loan. Anong account po maganda pag mag oopen. At magkano po dapat ang laman ng account?

    ReplyDelete
  45. Mag kano po ba yung
    Deposit pra sa atm..
    Pwde din po ba certicaficate of voter id
    At tin id

    ReplyDelete
  46. Mag kano po ba yung
    Deposit pra sa atm..
    Pwde din po ba certicaficate of voter id
    At tin id

    ReplyDelete
  47. Isa lang po id ko Tin id pwdi po voters id ni mama ko ung isa gusto kona mag open ng account para mka ipon pra sa future

    ReplyDelete
  48. Ok lang po ba na walang prof. Of billing, nag bobord lng po kc ako at dumayo ng trabaho gusto ko sana mag bukas ng account

    ReplyDelete
  49. Ok lang po ba na walang prof. Of billing, nag bobord lng po kc ako at dumayo ng trabaho gusto ko sana mag bukas ng account

    ReplyDelete
  50. Anong edad po pwedeng magbukas ng account?

    ReplyDelete
  51. Good day po paano po mag bukas ng account dito po ako sa Saudi gusto ko po kasi makaipon,

    ReplyDelete
  52. Gostoqu po mg open account dito po aqu kuwait paano po thank you

    ReplyDelete
  53. Pwede po ba 2 valid id kahit walang prof of billing thanks po

    ReplyDelete
  54. Good pm po pwedi po ba mag open kahit walang company id

    ReplyDelete
  55. Hello po pano pa pag student pero gusto ko po magkaroon ng savings acc. Magkano po ung dadalhin kong pera para makapag open ng acc. Need ko po ung pag may mag papadala po ny pera sakin. Magkano po initial na need ko?

    ReplyDelete
  56. Pano po ba mag open na bank account po kasi po gusto ko talaga maka tulong sa asawa ko po

    ReplyDelete
  57. Pag po ba 5000 yung edidiposit sa pag open ng saving acc....pwd po vah hulgan ng 200k-500k ang acc mo after o hindi?

    ReplyDelete
  58. Magkano po ang pwiding open account mam sir.wala po akong billing ng ilaw, at tubig ano po ba pwiding gamitin maliban sa billing.

    ReplyDelete
  59. Gusto ko din po mg bukas ng account

    ReplyDelete
  60. Gang mag kano po pwedeng ipasok sa bagong account po

    ReplyDelete
  61. Pls reply nman po kayo para po malaman ko

    ReplyDelete
  62. Pwede po bang mag apply ng direct sa bdo branch para mabukas ng savings account.

    ReplyDelete
  63. Valid po yung police clearance yun lang po meron ako at PSA

    ReplyDelete
  64. Pwde po ba ung isang id postal id tas birt at police clearance

    ReplyDelete
  65. Hello po mag open account sana ako kung pwd tin id lang at postal saka nbi lang po merun ako merun po ako philhealth nmbr pero wala pa akong philhealth id 2 weeks palang dumating salamat po sa sagut

    ReplyDelete
  66. Hello po pwd ba kumuha sa online bdo ang merun ako postal id tin id saka philhealth number 2 weeks darating ng phealth id ko po

    ReplyDelete
  67. Pnu po pag bata pwede po ba nag open acount sa BDO age 13 po at asked ko din po kung ano ano requirements pag bata po ang mag oopen ng acount age 13 po replay po please

    ReplyDelete
  68. Pwd na po vah tangapin yung QR tin ID sa BDO kc need lng po tlaga mka kuha ng bank account kc kpatid qoh sa bank nya idi2ritso ang pgpa2dala ng pera my philhealth din po aqoh

    ReplyDelete
  69. Mag Kano po ang e diposit pag open nang bagong savings account

    ReplyDelete
  70. Pano po kung passport lang ang valid ID q diba pwede birhtsertificate sa PSA po saka ilan po babayaran then ilang taon po ba ang pwede mag open ng bangko po. Thanku

    ReplyDelete
  71. Gusto ko mag open account sa bdo
    May 2 ID ako SSS at passport, may billing din po ako ng meralco
    Pero hinihingian pa ako ng cer, of employment ng nag pa padala sakin ng Pera
    Kala ko 2 I'd Lang kailan an Pati brgy clearance hinihingian din ako

    ReplyDelete
  72. Mag kano po ba ang kailangan na savings para mag ka atm

    ReplyDelete
  73. Ask ko lang po sana may sasagot ng hindi ako ma scam....paano kong ang pera mo sa banko de mo ma e widraw ng 5 years di po ba yan mawawala, at totoo po ba na bawat taon may percent na dumadagdag sa pera mo sa banko?

    ReplyDelete
  74. Okay lang po ba na wala akong proof of billing

    ReplyDelete
  75. Paano po yun kong lang id taps kukuha po ako ng. ATM BDO

    ReplyDelete
  76. Unknown
    Paano po yun kong walng id taps kukuha po ako ng. ATM BDO

    ReplyDelete
  77. What if po my bdo card na po ako pero namali po ako ng pincode tatlong taon po ok pa po ba syang gamitin?

    ReplyDelete
  78. Pwede po ba na ako ang anak ang magopen ng account para sa mother ko. Kasi po yong mother ko ay nasa ibang bansa, gusto nya magopen ng kanyang account dto sa pilipinas

    ReplyDelete

Theme images by andynwt. Powered by Blogger.