Tatlong (3) dahilan kung bakit mas maganda ang prepaid card kaysa sa credit card

Kung ninanais mong bumili ng produkto/ bilihin online pero wala kang credit card, mayroon solusyon diyan, ito ay ang prepaid card.

Dahilan kung bakit mas maganda alternatibo ang prepaid card kaysa sa credit card


Ano ba ang Prepaid card? 

Tulad din sa credit card, ang prepaid card ay meron din siyang card number, pangalan ng may-ari, expiry date (hindi bababa sa 2 taon) at security number tulad ng credit card.

Ano ba ang pinagkaiba ng prepaid card sa Credit card?

Ang pinagkaiba lamang ay dalawa ay kung ginamit mo ang Credit card sa pagbayad mo ng binili mong produkto online o ginamit sa pagbayad mo sa grocery, shopping, o kaya'y sa restaurant, ay awtomatik na nagkakaroon ka ng utang. Habang sa Prepaid card ay kailangan mong lagyan ng pera yung account mo bago mo itong tuluyang magamit na pambili o pampabayd. Kung kayat hindi mo ito basta-basta magagamit kung wala itong laman na pera. Ang resulta, mapipigilan ang paggasta mo at makakatipid ka.

Anu-ano ang mga kalamangan ng Prepaid card? (Advantages)


1. Gamit ang Prepaid card, pwede ka nang makabili ng mga produkto Online

Sabi nga kanina, ang prepaid card ay tulad din sa credit card. Gamit ito, pwede ka ring bumili sa mga ilang e-commerce site na tumatanggap ng Credit card na may Mastercard o Visa. Ang prepaid card ay pwede mo ring gamitin para maka-withdraw sa mga ATM machines. Siguraduhin lang na may laman na tamang halaga iyong prepaid card na pera (sa pamamagitan nang pag-load dito). Pwede mo rin siyang i-link sa iyong Paypal para ang iyong Paypal account ay maberipika.

2. Mas ligtas ka sa mga Identity fraud, Phishing at Recurring price kung ang gamit mo ay Prepaid card

Sa ngayon maraming scams at paraan para makopya at malaman ang mga card details mo. Kapag nakuha nila ito ay puwede ng gamitin ng scammer ang credit card mo para bumili ng kung anu-ano at magugulat ka na lamang kung bakit ang dami mong utang. Naabot mo na rin ang credit card limit ng card mo at ikaw ang magbabayad dito. Kapag prepaid ang gamit mo, kung ano lang ang laman ng card mo ang magagamit nila at puwede mo pang palitan ang card. Halimbawa, ang credit card limit mo ay PHP 50,000 – ang mga theft ay magagamit ang buong PHP 50,000 at ikaw ang magbabayad. Kung prepaid card yon at saktong PHP 4,000 ang laman, yun lang ang magagamit mo.

Sa recurring price naman, madalas ay gagamitin natin ang card natin para sa mga "free trial" pero pagkatapos ng free month ay magchacharge na sila. Kadalasan ay nakakalimutan nating iterminate o i-cancel ang subscription na ito kaya nachacharge agad sa Credit card. Kung prepaid card ay magcacancel lamang ang payment at hindi ka machacharge. Siguraduhin lang na sakto palagi ang pera mo sa Prepaid card.

3. Makakaiwas ka sa Impulse Buying

Madaming napakasayang bilhin online at madali lang i-order kung may card ka. Kung may credit card ka ay sige lang ang pagbayad. Pero kung ang gamit mo ay prepaid card at walang laman, magkakaroon ka ng panahon na pag-isipan bago bilhin ang isang bagay dahil kailangan mo pang loadan ang iyong card.

Dagdag kaalaman

Siguraduhing sa mga lehitimo at sertipikadong mga website ka lang bibili ng mga produkto at siguraduhing encrypted ang gamit nilang mga software/ platform para siguradong ligtas ang transakyon. Umiwas din sa Impulse buying o pangmaramihang bilihan at syempre  ingatan ang inyong mga transaction cards.

Tatlong (3) dahilan kung bakit mas maganda ang prepaid card kaysa sa credit card Tatlong (3) dahilan kung bakit mas maganda ang prepaid card kaysa sa credit card Reviewed by BP Admin on December 14, 2017 Rating: 5

No comments:

Theme images by andynwt. Powered by Blogger.